-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna na magsagawa ng Heat Index Action Plan Matrix na magiging gabay umano nila sa gagawing aksiyon t’wing nararanasan ang matinding pagtaas ng temperatura. 

Ayon kay Lacuna, nakapaloob umano sa gagawing matrix kung kailan dapat isuspinde ang face-to-face classes sa mga paaralan at onsite work ng mga empleyado. Nakasaad din daw rito kung kailan ipag-uutos sa mga establisyemento na gumagamit ng maraming tubig na limitahan ang kanilang pag-konsumo ng tubig. 

Binigyang-diin din ng Alkalde na mas nilo-localize nila ang heat index system ng state weather bureau para magkaroon umano sila ng local measures sa kada alert level na inilalabas ng ahensiya. 

Inatasan na ni Lacuna ang city health office, social welfare services, at disaster risk reducton and management office para magtulungan sa pagbabalangkas ng Heat Index Action Plan Matrix.