Handang buksan ng Manila City government ang kanilang 24/7 vaccination hubs kapag natanggap na nila ang mga bakunang gagamitin bilang booster shots sa mga may edad na Filipinos.
Sa naging karanasan kasi ng Manila City LGU ng simulan ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine noong nakaraang mga buwan ay malaking tulong ang 24 hours na mga vaccination hubs nila.
Layon kasi ng 24 hours na vaccination hubs ay para sa mga empleyado na walang oras na magpabakuna dahil sa kanilang trabaho.
Naging mabilis na nakamit ng Manila LGU ang pagpapabakuna sa mga nakalaang populasyon ng lungsod dahil sa nasabing 24 hours na vaccination hub.
Nitong Disyembre 1 lamang ay umabot sa 126 percent na target para sa fully vaccinations ang nakamit ng Manila LGU habang mayroong 80 percent na mga minors na may edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan.
Katumbas ito ng mahigit 2.8-M vaccines ang naiturok na sa Maynila.