-- Advertisements --
Nag-deploy ang Lungsod ng Maynila ng mga medical emergency equipment bago sumapit ang Traslacion 2024 sa Enero 9.
Ang Manila City Hall at ang pulisya ay nagpakalat ng medical emergency equipment sa pamamagitan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
Ipinwesto sa Bonifacio Shrine, na kilala rin bilang Kartilya ng Katipunan sa Ermita, Manila ang isang advanced medical post o field hospital.
Mayroon itong tatlumpung hospital beds na may oxygen tank na nakatalaga para sa bawat kama. Nakahanda rin ang field hospital na tumugon sa mga nangangailangan ng critical care.
Nag-deploy din ng mobile clinic sa naturang lugar.
Ipakakalat naman ang mga ambulansya sa Enero 9, sa mismong araw ng pagdiriwang ng itim na Nazareno.