-- Advertisements --
image 265

Maagang naglabas ng abiso ang Manila local government unit sa publiko kaugnay sa isasarang kalsada sa lungsod kasabay ng paggunita sa araw ng Undas.

Magsisimula sa alas-10:00 ng gabi sa Oktubre 31 ang pagsasara ng kalsada at tatagal ito hanggang Nobyembre 2 ng alas-5:00 ng hapon.

Base sa advisory, kabilang sa mga lugar na apektado ng road closure ay ang mga sumusunod:

  1. Kahabaan ng Aurora Boulevard (mula Dimasalang Rd. hanggang Rizal Avenue)
  2. Kahabaan ng Dimasalang Rd. (mula Makiling St. hanggang Blumentritt Rd.)
  3. Kahabaan ng P. Guevarra (mula Cavite St. hanggang Pampanga St.)
  4. Kahabaan ng Blumentritt (mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra St.)
  5. Kahabaan ng Retiro (mula Dimasalang Rd. hanggang Blumentritt Ext.)
  6. Kahabaan ng Leonor Rivera (mula Cavite St. hanggang Aurora Blvd.)