-- Advertisements --

Naglunsad ng clearing operation ang lokal na pamahaan ng Maynila sa Quiapo bilang paghahanda para sa nalalapit na Traslacion 2024.

Nakatuon ang isinagawang clean-up operation ng Manila LGU sa Villalobos Street malapit sa Plaza Miranda.

Inatasan din ang mga nagtitinda na alisin ang kanilang paninda at ilipat sa mga bangketa.

Hindi naman kinumpiska ng LGU ang alinman sa kanilang mga paninda.

Samantala, ang mga kalsada at siwang sa naturang lugar ay nilinis ang mga putik at iba pang kalat gamit ang pressure washers.