Pinabulaanan ng Manila city government ang mga kumakalat na post sa social media na nagsasabing isasailalim umano sa lockdown ang ilang lugar sa lungsod dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Batay kasi sa ilang mga social media post at maging sa isang advisory letter na nanggaling umano sa Manila Barangay Bureau, ilalagay umano sa lockdown ang ilang mga area sa Binondo.
Pero ayon kay Manila Police District director, PBGen. Leo Francisco, walang katotohanan ang mga naglalabasang ulat at iginiit na may ganito na ring mga Facebook post ang kumalat noong Hulyo ng nakalipas na taon.
Noong Lunes nang pahintulutan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Barangay Bureau na magpatupad ng lockdown sa mga barangay na may mataas na bilang ng COVID-19 cases.