-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ni Manila City Mayor Isko Moreno ang University of East (UE) dahil sa pagsuway sa kautusan ng lungsod na magkaroon ng isang linggong “health break” sa lahat paaralan at unibersidad lungsod.

Magsisimula ang suspension ng mga private at public schools mula Enero 14 hanggang 21, 2022.

Sakop nito ang physical at online classes.

Dagdag pa ng alkalde na kapag ayaw nila sumunod ay dapat maghanap na lamang sila ng ibang lugar.

Sa nasabing hakbang aniya ay mabibigyan ang mga mag-aaral at guro na makapag-recharge.

Nauna rito iginiit ni UE President Ester Garcia na walang otoridad ang mga alkalde na magsuspendi ng klase sa tertiary level kaya ang kanilang sinuspendi lamang ay ang mga klase sa kindergarten hanggang Grade 12.