-- Advertisements --

Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagbabalik ng Traslacion ngayong Nazareno 2024.

Ngayon pa lang ay nakaantabay na ang emergency equipment ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office kasama ang mga ambulansiyang gagamitin sa araw ng Traslacion.

Nakatayo na rin ang advance medical posts o field hospital ng lungsod sa may katilya ng Katipunan. Kompleto ito ng kagamitan na may tatlungpung bed at oxygen tanks.

Mayroon ding mobile clinic na pwedeng magsagawa ng pananahi sa mga debotong masusugatan.

Matatandaang nagsagawa nitong Sabado ng simulation exercise ang MDRRMO para ipakita ang pagiging maagap nila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga pasyente.