Hinihintay na lamang ng pamahalaang panlungsod ng Maynila ang pagdating ng mga bakunang gawa ng British pharmaceutical firm na AstraZeneca.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa isang best-case scenario, posibleng dumating sa siyudad sa buwan ng Marso ang doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Kung hindi naman aniya sa Marso, posibleng sa Hunyo o kung worst-case scenario ay sa Setyembre na ang dating ng bakuna sa Maynila.
Noong nakalipas na linggo, naglabas ang city government ng 20% downpayment para sa bakuna, na nagkakahalaga ng P38.4 million.
Nakapag-secure na ang Maynila ng 800,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa British firm, na gagamitin para turukan ang nasa 400,000 residente.
Muli ring inihayag ng alkalde na magpapaturok ito ng COVID-19 vaccine sa publiko.