-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Isko Moreno

Ayon sa Manila Information Office na nakaramdam ito ng pag-ubo, kaunting sipon at pananakit sa katawan.

Agad naman na ito isinakay sa ambulansya at dinala sa Sta. Ana Hospital.

Sa social media post naman ng alkalde ay tiniyak niya sa kaniyang mga constituents na tuloy pa rin ang trabaho.

Kung maalala kamakailan lamang ang kanyang vice-mayor na si Honey Lacuna ay nagpositibo rin sa coronavirus.