Inilahad ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang kahalagahan ng pag update ng records at maging ang biometrics ng mga Senior Citizen sa kanilang lugar.
Ayon kay Lacuna, ang nasabing paglalagay ng biometics ay makatutulong umano upang magabayan at malaman ng nasabing lungsod kung ilan ang babahagian nila ng Social Amelioration Package (SAP) na inilalaan para sa mga matatanda.
Kung kaya’t hinihikayat din niya ang mga ito na makiisa sa mga barangay leader na siyang nag aasikaso upang magkaroon sila ng mas tiyak na listahan o record.
Mag uumpisa ito sa Districts 1 and 2 sa susunod na Biyernes, June 14, mula alas nuebe ng umaga at magtatagal hanggang alas kwatro ng hapon.
Habang nanawagan din siya sa mga namumuno ng 896 na barangay na kanilang nasasakupan na ipaalam o ipabatid din ang impormasyon na ito sa lahat ng senior citizen