-- Advertisements --

Usap-usapan sa pagdinig ng Senate committee on local government si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa pagtatanong kasi ni committee chairman Sen. Francis Tolentino, inisa-isa ni Moreno ang mga hakbang na kanilang ginagawa na ayon sa kaniya ay hindi kagaya ng iniisip ng marami na magastos at mahirap gawin ang Manila rehabilitation.

Ayon sa alkalde, matipid at tuloy-tuloy ito dahil sa maayos na implimentasyon ng mga batas.

Pero higit pang nakaagaw ng atensyon ang bali-baliktad na pagsasalita ng city mayor, na ayon sa kaniya ay nakasanayan na niya mula noong namumuhay pa siya sa mga kalye ng lungsod.

“Yung ginagawa ho namin, walang “tosgas” dahil TY (thank you) lang ‘yun. …May mga “otaw” naman yung mga opisina… sila ho yung nakakatulong natin,” wika ni Moreno.