-- Advertisements --

Pinag-aagawan na ng malalaking unibersidad sa Metro Manila ang binansagang Manila Meet Sprint King na si Nash Candelario na anak ng Ilonggo at former Southeast Asian Games 400 meters Gold medalist na si Ernie Candelario.

Sa katatapos na Manila Athletics Meet sa Pasig City, tatlong gold medals ang naibulsa ni Nash matapos mangibababaw sa 400, 100 at 200 meters sprint.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa 17-anyos na Ilonggo athlete na residente ng Barangay Napnapan, Tigbauan, Iloilo, sinabi nitong noong nakaraang taon lamang nang sineryoso nito ang sports na impluwensya rin ng kanyang ama na isang Southeast Asian champion.

Nasa Grade 12 na si Nash sa Adamson University sa Manila ngunit nakakatanggap na umano ito ng kabi-kabilang offer mula sa naglalakihang unibersidad sa Manila para sa kanyang tertiary education.

Sa ngayon, pinaghahandaan muna nito ang National Capital Region Meet, Palarong Pambansa, at iba pang malalaking kumpetisyon sa bansa.

Ibinahagi rin ng Ilonggo athlete na goal nito na maging bahagi ng national team upang ma-i-angat ang Pilipinas sa international event at ultimate dream rin nito na masapawan ang rekord ng kanyang ama na siya ring coach nito.