-- Advertisements --

Muling tinukoy ang lungsod ng Maynila bilang “most dangerous city” base sa Numbeo Crime Index.

Sakop nito ang mga naitalang krimen sa buong Southeast Asia para sa 2024 Mid-Year period.

Maliban sa Maynila, apat na iba pang lungsod mula sa Pilipinas ang nakasama rin sa listahan.

Kinabibilangan ito ng Cebu sa Rank 6, Iloilo sa Rank 9, Makati sa Rank 11 at Davao sa Rank 14.

Wala pa namang inilalabas na reaksyon hinggil dito ang pulisya at maging ang mga lokal na pamahalaan ng nasabing mga syudad.