Nakatanggap ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng 40,000 capsules ng eksperimentong antiviral na gamot na Molnupiravir para magamit sa mga ospital ng COVID-19 sa lungsod.
Nasa 120 bottles ng capsules ang ibinigay sa Manila COVID-19 field hospital kung saan ang kada bottles ay may 40 capsules.
Ang pamahalaang lungsod ay bumili ng investigational oral na gamot para sa COVID-19 sa halagang P87.50 para sa bawat kapsula, na mas mura kaysa sa halaga ng Remdesivir at Tocilizumab.
Ang molnupiravir ay pinangangasiwaan sa ilalim ng compassionate special permits.
Sa isang post sa Facebook, nagbabala si infectious disease expert and Department of Health Technical Advisory Group member Dr. Edsel Salvana na ang paggamit ng Molnupiravir ay “para lamang sa mga populasyong may mataas na peligro na may “confirmed mild or moderate COVID infection” sa ilalim ng compassionate use at sa loob lamang ng limang araw. ”
Kung mayroon aniya kang malubhang COVID-19, hindi ito gumagana at kailangang gumamit ng iba pang gamot.
Huwag kailanman uminom ng anumang gamot nang walang wastong medikal na konsultasyon.