-- Advertisements --

Nasa full alert status ngayon ang buong pwersa ng Manila Police District (MPD) kasunod ng pagdiriwang ng mga kababayan nating Muslim sa Eidl Fitr ngayong araw na hudyat ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan.

Ayon kay Manila Police District (MPP) Spokesperson PSupt. Erwin Margarejo na alas-4:00 pa ng madaling araw kanina ng magsimula ang deployment ng kanilang mga tauhan partikular sa may Golden mosque sa Quiapo at sa Quirino grandstand.

Sinabi ni Margarejo na mahigpit na seguridad ang kanilang ipinatupad upang matiyak na maging maayos ang pagdiriwang ng Eidl Fitr ng mga Muslim sa Maynila.

Dalawang lugar ang tinututukan ng MPD kung saan buhos ang mga kapatid nating Muslim para magdasal.

Una ng sinabi ni Margarejo na may 500 mga pulis na dagdag ang kanilang idedeploy sa Quirino grandstand at sa Golden Mosque.

Bukod sa mga uniformed personnel na magbibigay seguridad, magpapakalat din ang MPD ng mga pulis na naka plain clothes para tumulong sa pagmamatyag lalo na sa mga suspicious looking persons.