-- Advertisements --
Pumangalawa ang Metro Manila sa may matinding trapiko sa buong mundo.
Ito ay ayon sa ulat ng Netherlands-based global data provider na Tom Tom’s 2019 Traffic Index.
Nanguna sa listahan ay ang Bengaluru sa India habang pangatlo ang Bogota, Colombia at nasa pang-apat at pang-limang puwesto ang siyudad ng India na Mumbai at Pune.
Nakasaad sa ulat na gumugugol ng 71 percent extra travel time ang mga motorista noong nakaraang taon.
Mayroong 257 na oras ang nasasayang ng isang mananakay at motorista sa buong taon ng 2019.
Nakasaad sa ulat na dapat iwasan ang 6 p.m. tuwing rush hour ng Biyernes dahil ito ang pinakamalalang oras ng trapiko sa Metro Manila.