Binanatan ni Manila Rep Rolando M. Valeriano si VP Sara Duterte sa kanyang priviledge speech sa Kamara ngayong araw, Sept 3.
Sumentro ang mensahe ni Valeriano sa naging pagdinig na ginanap ng Kamara para sa budget ng OVP.
Ayon kay Valeriano, hindi katanggap-tanggap ang inasal ni VP Sara sa naging pagdinig.
Punto ng mambabatas, inilantad ni VP Sara ang kanyang kawalang-asal at kawalan ng respeto sa saligang batas ng Pilipinas, sa naging pagdinig sa budget ng kanyang opisina.
Idinetalye pa ni Valeriano ang aniya’y sunod-sunod na pambabastos na ginawa ng kasalukuyang VP sa Kamara.
Kinabibilangan ito ng umano’y hindi pagtanggap ng mga salungat na opinion ng mga mambabatas, mistulang pag-utos sa Committee on Appropriations na pagpalit sa presiding officer, atbpa.