-- Advertisements --

Idinepensa ng isang Manila congressman si First Lady Liza Araneta Marcos sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na walang kinalaman sa kanyang mandato ang naging pahayag ng Unang Ginang.

Ayon kay Rep. Joel Chua ang naging pahayag ni First Lady Marcos kay VP Sara ay nagpapakita ng karakter at integridad ng Ikalawang Pangulo na dapat ay katuwang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtaguyod ng kapakanan ng bansa at bilang isang serbisyo publiko.

Sinabi ni VP Sara na ang mga sinabi ni First Lady Liza ay walang kinalaman sa kanyang opisyal na trabaho at personal na lamang umano siyang makikipag-usap sa Pangulo.

Inamin ni First Lady Liza na siya ay nasaktan sa pagpunta ni VP Sara sa mga rally. Nabanggit pa nito ang pagtawa ng Ikalawang Pangulo ng sabihin na “bangag” ang Pangulo.