Inanunsiyo ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na gagawing 24/7 na ang operasyon ng mga vaccination sites sa lungsod simula bukas, Agosto 8.
Ayon sa alklade, naglabas ng guidelines ang DOH na susundin ng bawat LGUs upang matiyak ang ligtas at efficient na pagsasagawa ng vaccination sa gitna ng umiiral na ECQ sa Metro Manila.
Kaugnay nito, magpapatupad ang pamahalaang lungsod ng striktong scheduling system para sa pagbabakuna ng komunidad na isasagawa sa mga paaralan.
Ayon kay Domagoso, bibigyan ang bawat barangay ng slot numbers na ipapamahagi sa kanilang mga residente na nais magpanakuna.
Binigyang diin naman ng alkalde na hindi muna tatanggap ng walk-ins sa mga vaccination sites sa lungsod.
Samantala, sinuspende muna ngayong araw ang pagbabakuna upang bigyang daan ang ilang gagawing adjustments sa vaccination protocols habang umiiral ang ECQ sa Metro Manila at ang pagsisimula na 24/7 na pagbabakuna kontra covid19.