Nagbitiw na sa pwesto bilang chief operating officer ng Manila Water si Geodino Carpio matapos ang 22-taong panunungkulan sa kompanya.
Ito ang kinumpirma ng Manila Water Company Inc. ngayong araw matapos tanggapin ang resignation ni Carpio.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng detalye ang nagbitiw na opisyal ukol sa kanyang pagbibitiw.
Hindi rin nagbigay ng impormasyon ang kompanya hinggil sa resignation ng opisyal.
Kung maaalala, isa si Carpio sa mga unang nagpaliwanag nang pumutok ang issue ng krisis sa tubig kamakailan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa ngayon in-appoint bilang acting COO for Operations si Engr. Abelardo Basilio na kasalukuyang group director for strategic asset management.
Bago nanungkulan sa Manila Water, dating nagtrabaho si Basilio sa regulatory body na Metropolitan Waterworks and Sewerage System.