Pumirma ng P7 billion 10 year loan ang Manila Water sa Land Bank of the Philippines.
Sa isang pagbubunyag sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng utility company na gagamitin ang pera para pondohan ang kanilang capital expenditure.
Kaugnay nito ay inanunsyo ng Manila Water na tataas ang singil sa tubig sa susunod na taon para sa mga consumers.
Ang nasabing pagtaas ay nagkakahalaga ng P6.41 per cubic meter.
Matatandaan na inaprubahan ng MWSS ang mas mataas na rate para sa dalawang concessionaires na Manila Water at Maynilad noong nakaraang taon ngunit ang mga ito ay staggered sa loob ng 5 taon mula 2023-2027.
Ang pagtaas sa singil sa tubig ay kailangan para mabawi ng mga concessionaires ang mga gastusin para sa iba’t ibang proyekto na magtitiyak ng sapat na suplay ng tubig bilang paghahanda sa inaasahang matinding El NiƱo phenomenon sa susunod na taon.