-- Advertisements --

Naglabas ng abiso ang pamunuan ng Manila Water para sa kanilang isasagawang maintenance activity sa ilang bahagi ng Rizal bukas , Enero 16.

Ayon sa kumpanya, asahan na ang pagkakaroon ng disruption sa kanilang water service sa nasabing araw.

Magsisimula ang aktibidad mula 10:00am ng Jan. 16 hanggang 4:00am ng Jan. 17 Biyernes.

Maapektuhan dito ang ilang bahagi ng Barangay San Juan sa Cainta at portions ng Barangay Sta. Ana sa Taytay.

Aabot naman sa anim na oras ang naturang water interruption sa mga apektadong lugar dahil sa isasagawang maintenance activity sa Greenland Subdivision sa Cainta.