-- Advertisements --

Magpapatuloy pa ring ipapatupad ng Manila Water ang rotational water interruption dahil sa nasa below critical level pa rin ang Angat Dam.

Sinabi ni Manila Water’s Business operations support head Kristine Jessah Guevarra, na kapag umabot na sa 180 meters ang level ng dam ay magiging normal na ang kanilang serbisyo.

Dagdag pa nito na hindi pa naging sapat ang ulang dala ng bagyong Falcon para mapunan ng tubig ang dam.

Maging ang Maynilad ay nagpapatupad pa rin ng water interruption schedules dahil pa rin sa hindi pa sapat ang suplay ng tubig sa Angat Dam.