Inanunsiyo ng Manila Water na magsasagawa ito ng maintenance works sa ilang lugar sa Manila, Rizal at Quezon sa darating na Mayo 14-16 ng taong kasalukuyan.
Dahil dito, makararanas ng water interruption ang ilang parte ng Quezon City dahil sa line maintenance, line meter and strainer nito sa ika-14 ng Mayo sa Bignay corner Anonas, Chico Corner Anonas, at sa Tindalo corner Anonas Street.
Kasama rin sa apektado ang ilang lugar sa Sta. Ana sa Manila dahil sa isasagawang line meter declogging sa ika- 15 ng Mayo habang line meter replacement naman ang gagawin sa Binangonan Rizal sa ika-16 ng Mayo.
Samantala, pinayuhan naman ng Manila Water ang mga residenteng apektado sa nasabing mga lugar na mag impok ng tubig bilang paghahanda sa naturang maintenance work kasabay ang paalala nito na kung sakaling bumalik na ang suplay ng kanilang tubig ay mangyaring mag flush o buksan muna ang mga gripo hanggang sa dumaloy muna ang tubig at hintaying luminaw ito.