-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Manila Water na magsasagawa ito ng maintenance works sa ilang parte ng San Juan City at Pasig City mula April 29 hanggang April 30.

Magkakaroon ng Line Maintenance sa Santo Domingo cor. N. Domingo sa San Juan City at maaapektuhan ang linya ng tubig sa ilang parte ng Progreso.

Samantala, sa Pasig City naman ay isasagawa ang Line Declogging sa Caruncho Ave. cor. M. H. del Pilar kung saan maaapektuhan ang linya ng tubig sa Santo Tomas, San Nicolas, Santa Cruz, at Palatiw.

Dahil dito, inabisuhan ng Manila Water ang mga residente na mag-ipon ng tubig bilang paghahanda sa dalawang araw na maintenance works. Gayundin ay nagpaalala ito na kapag bumalik na ang suplay ng tubig pagkatapos ng maintenance ay magsagawa muna ng flushing o ang pagbukas ng gripo at hayaan munang dumaloy ang tubig nang ilang minuto hanggang sa maging malinaw na ito.