Wala pa ring patid ang Manila Water Co. Inc. sa pagpapalawak ng kanilang mga proyekto ngayong taon.
Ayon sa kumpanya, nakakuha ng $110-million na tatlong taong term loan facility sa Mizuho Bank-Singapore Branch at ING N.V. Singapore ang kanilang subsidiary na anila Water Asia Pacific Pte. Ltd.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang kumpanya ngunit sinabi nito na ang mga nalikom na halaga ng pautang ay gagamitin upang muling i-refinance ang umiiral na utang.
Ayon naman sa iba pang subsidiary ng Manila Water na Boracay Water,nakapaglaan ito ng P1.1 bilyon para sa taong 2021 hanggang 2025.
Layon nitong paigtingin ang water and wastewater service sa Boracay Island at matiyak ang pagsunod sa mga obligasyon nito sa serbisyo.
Idinagdag ng kumpanya sa pamamagitan ng malawak na pipelaying at pipe replacement programs, ang Boracay Water ay nakamit ang 100 porsyentong saklaw ng suplay ng tubig at pinaliit ang water loss or non-revenue water mula 37 porsyento hanggang 20 porsyento noong 2023.
Nagdagdag rin ang Boracay Water ng 24/7 water availability.
Ito ay may kalidad na tubig na sumusunod sa Philippine National Standards for Drinking Water ng Department of Health.
Sinabi pa ng kumpanya na ang rehabilitasyon at pag-upgrade ng Nabaoy at Caticlan pumping stations ay isinasagawa na.