-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Manila Water na walang patid ang pagsasagawa nila ng maintenance at systems check sa kanilang mga linya.

Layon nito na matugunan ang mataas na demand sa tubig ngayong buwan ng Mayo.

Kabilang sa kanilang sinusuri ang ang kanilang 40 reservoirs at 72 pumping stations sa National Capital Region maging sa bahagi ng lalawigan ng Rizal.

Ang ganitong hakbang ng naturang water concessionaire ay makatutulong upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa kanilang mga customer.

Batay sa datos ng Manila Water, aabot sa mahigit pitong milyong mga customer ang kanilang binibigyan ng serbisyo.

Siniguro rin ito na sapat ang kanilang ibibigay na abiso sa oras na magsasagawa sila ng maintenance work sa kanilang mga linya.

Kung maaalala, sinimulan na ng Manila Water ang pagtatayo ng ₱1.4-billion pumping station at reservoir sa lungsod ng Taguig.