-- Advertisements --
Sa buwan pa ng Disyembre muling bubuksan ng Manila City Government ang Manila Zoological at Botanical Garden o kilala bilang Manila Zoo.
Ayon kay Manila City Mayor Honey Lacuña na isasabay nila ang pagbubukas sa nalalapit na kapaskuhan.
Nitong Hunyo kasi ay kanilang pansamantalang isinara dahil sa mga gagawing pag-aayos.
Dagdag pa ng alkalde na maraming mga tao ang nagtutungo sa lugar para magbakasakali na makapasok sa nabangit na zoo.
Magugunitang noong unang mga buwan ng taong 2022 ay binuksan sa publiko ang Manila matapos ang dalawang taon na pagsasara dahil sa COVID-19 lockdown.