Makakaranas ng mas manipis na supply ng tubig ang buong Metro Manila simula ngayong araw.
Ito ay matapos na itakda ng National Water Resources Board nang mas mababa ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila ng one cubic meter per second simula ngayong araw sa gitna pa rin ng nararanasang matinding init ng panahon na dulot ng El Niño phenomeonon.
Ngunit paglilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa kabila nito ay hindi aniya magkakaroon ng Water supply interruption sa National Capital Region.
Kung maalala, una nang iniulat ng mga kinauukulan na walang nagiging improvement sa lebel ng tubig ng Angat Dam na kasalukuyang pinangangambahang pa ngayon na mas bumaba pa sa itinakdang minimum operating level nito na 180 meters.
Kung maalala, ang Angat Dam ang nagsusuplay ng tubig sa mahigit 90 porsyento ng buong Metro Manila, at maging sa iba pang bahagi ng Bulacan, at Pampanga.