MGM Grand, Las Vegas – Binigo ni Senator Manny Pacquiao ang kayabangan ni Keith Thurman nang ipatikim ang unang talo sa mas nakababatang kampeon sa ginanap na exciting na 12 round fight sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Liban dito naagaw din ni Pacquiao ang WBA super welterweight crown upang pag-isahin ang regular title na hawak ng pambansang kamao.
Ayon sa ilang mga nakapanayam ng Bombo Radyo, “excellent” at “masterful performance” muli ang ipinakita ng fighting senator.
Sa first round pa lamang ay nagawang ma-knockdown ni Manny si Thurman, na nagawa namang makabangon.
Sa 10th round ay namilipit din sa sakit si Thurman ng tamaan mula sa matinding suntok sa kanyang bodega.
Ayon kay Pacman, matibay din si Thurman at magaling na boksingero.
“It was fun. My opponent is a good fighter and boxer. He was strong,” ani Pacquiao. “Even though Thurman lost he did his best. He’s not an easy opponent. He’s a good boxer and he’s strong. I was just blessed tonight.”
Si Thurman naman ay tanggap ang kanyang pagkatalo at nagawa pang itaas ang kamay ng Pinoy ring icon.
“Manny Pacquiao is a truly great champion,” pag-amin naman ni Thurman.
Nag-post pa sa social media si Thurman na may larawan para pasalamatan din ang pambansang kamao.
“I’ve always said I’m not afraid to let my 0 go, if you can beat me — beat me. @MannyPacquiao beat me tonight. Hats off to the Senator on a great performance. #OneTime #PacThurman”
Nagtapos ang laban sa split decision kung saan ang mga judges na ais Dave Moretti at Tim Cheatham ay ibinigay ang 115-112 para kay Pacquiao, habang si Glenn Feldman ay pinaburan si Thurman 114-113.