-- Advertisements --

Muli na namang lalaban si Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa isang exhibition match.

Makakaharap naman ngayon si apanese Rizin Featherweight Champion Chihiro Suzuki sa three-round exhibition match sa darating na Hulyo 28 sa Japan.

Huling lumaban sa professional fight ng nag-iisang eight division world champion ay mahigit dalawang taon na ang nakalipas laban kay Yordenis Ugas kung saan natalo ito sa welterweight fight sa Las Vegas.

Noong Disyembre 2022 ay nagsagawa na rin ito ng exhibition fight laban kay DK Yoo ng South Korea at nagwagi si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.

Si Suzuki na isang Japanese-Peruvian fighter ay reigning Rizin featherweight champion.