GENERAL SANTOS CITY – Bumalik na sa pagsasanay si Pinoy boxing great Manny Pacquiao para sa isang exhibition fight nito kay Japanese mixed martial artist Chihiro Suzuki sa buwan ng Hulyo.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Gensan, sinabi ni Boxing coach Buboy Fernandez na gaganapin ang laban sa sa darating na Hulyo 28 sa Saitama Arena, Japan.
Ayon kay Coach Buboy, three-round exhibition match ang laban na ito pero hindi dapat sila magpakampante sa Japanese-Peruvian fighter at reigning Rizin featherweight champion dahil matangkad, maganda ang record at maraming experience sa ring.
Idinagdag nito na magbibigay ito ng magandang kondisyon para sa Filipino boxing champion.
Aniya, kabilang sa gmae plan ang pabagsakin si Suzuki.
Una rito, sinabi umano ni Suzuki na pababagsakin ang 45 taong gulang na dating Senador kayat kailangan nilang maghanda nang mabuti.
Noong Disyembre 2022 ay nagsagawa na rin ito ng exhibition fight laban kay DK Yoo ng South Korea at nagwagi si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.
Nangako rin si Fernandez na matapos ang exhibition fight kay Suzuki ay maghahanda sila para sa isang world title fight na gaganapin sa buwan ng Disyembre.
Mahigit dalawang taon na ang huling professional fight ni Pacquiao subalit ito ay nabigo laban kay Yordenis Ugas sa Las Vegas at noong Disyembre 2022 ay lumaban ito sa exhibition fight kay DK Yoo ng South Korea.
Matapos ang nalalapit na exhibition fight ni Pinoy boxing great Manny Pacquiao kay Japanese mixed martial artist Chihiro Suzuki sa buwan ng Hulyo ay kinumpirma nito na may negosasyon ng niluluto par asa kaniyang comeback potential world title fight laban kay Mario Barrios.
Sinabi ng 45-anyos na boksingero na marami pang mga dapat ayusin ang WBC welterweight world title fight sa American boxer na si Barrios.
Dagdag pa nito na maaring sa Nobyembre o Disyembre subalit depende sa mga resulta ng mga pag-uusap.
Magugunitang nagpahayag ng kagustuhan na lumaban sa Paris Olympics ang dating Senador subalit hindi ito pasok sa panuntunan ng International Olympic Committee.
Mahigit dalawang taon na ang huling professional fight ni Pacquiao subalit ito ay nabigo laban kay Yordenis Ugas sa Las Vegas at noong Disyembre 2022 ay lumaban ito sa exhibition fight kay DK Yoo ng South Korea.