-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Muling pinatunayan ng Bomboradyo na walang kupas ang pagiging isang ‘crowd drawer’ ng Bomboradyo Bancarera.

Halos hindi mahulogang-karayom ang dalampasigan ng South Bay sa Barangay Dadiangas South, GenSan dahil dinagsa ito ng libu-libong katao na nais matunghayan ang aktibidad.

Sa kabila ng mainit na panahon, hindi nagawang umalis ng mga tao sa kani-kanilang kinatatayuan para masaksihan ang bawat aksyon sa karera ng 40 banca riders.

Sa simula pa lang hanggang sa final round ramdam na ang excitement at mainit na laban ng mga kalahok ngunit naghari si Justin Grado na pambato ng Santa Maria Davao Occidental.

Tumanggap ito ng P100,000 cash, brand new na makina, propeller at giveaways.

Ang 1st placer ay si Matt David na taga Zamboanga City kung saan tumanggap ng P50,000 cash prize habang ang 2nd placer naman ay si Muhammad Basucao na taga Buenavista Agusan Del Norte na tumanggap ng P20,000 cash prize.

Habang ang mga non-winning banca riders ang hindi umuwing luhaan matapos tumanggap pa rin tig-P1,000 consolation prize.