-- Advertisements --

Ibinebenta na ngayon ng actress na si Jennifer Love Hewitt ang kaniyang bahay sa Pacific Palisades sa California.

Ayon sa actress na nagkakahalaga ito ng $4,199,000 o mahigit P200 million.

May lawak ito ng 3,160 square feet na may apat na kuwarto.

Nabili nito ang bahay noong 2013 sa halagang $3.25 at kaya niya ibinebenta ay dahil nakabili na ito ng bagong bahay sa halagang $6-M.