-- Advertisements --

Dapat na bumalik na raw ang Pilipinas sa manual na pagbibilang ng mga boto sa susunod na mga halalan para maiwasan na rin maulit pa ang mga aberya at delays na nangyari sa 2019 midterm elections, ayon sa National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel).

Sinabi ni Namfrel national chairperson Augusto Lagman na nagdulot ng transparency issue ang automated na pagta-tally ng mga boto.

Iginiit ni Lagman na kung tutuusin mas mahalaga pa ang transparency kumpara sa layunin ng automated elections na magkaroon ng mas mabilis na bilangan ng mga boto sa halalan.

Noong gabi ng Mayo 13, ilang sandali pagkatapos na isara ang botohan, nagkaroon ng pitong-oras na election data outage sa transparency server ng Comelec.

Para kay Lagman, ito na raw ang pinakamabahang outage na kanyang naaalala na nangyari sa kanilang trabaho sa Namfrel.

Bukod dito, nagkaroon pa ng isa pang error noong Mayo 14 na makaraang nagkaroon ng “Java platform error.”