Inamin ng Commission on Elections (Comelec) mapipilitan silang ibalik sa manual elections ang darating na halalan, kapag tuluyang kinansela ang kontra sa Korean firm na Miru Systems.
Pero tiniyak nilang masusunod pa rin ang schedule at mga paghahanda.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maghaahain sila ng motion for reconsideration sa Korte Suprema ukol sa pagkaka-ban sa Smartmatic, pero magpapatuloy sa lahat ng election preparations.
Hindi umano sila hihinto dahil ayaw nilang ma-delay, at makompormiso ang buong 2025 midterm polls.
Una nang sinabi ng Supreme Court En Banc na nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan ang komisyon sa ginawang pag-disqualify sa Smartmatic para sa paglahok sa bidding process.
Binigyangdiin din ni Garcia na hindi nakaaapekto sa integridad ng Comelec ang desisyon ng korte sa naturang issue.
Handa rin daw sila sa ano mang kaso, ‘o impeachment na maaaring ihain laban sa kanila.
Aniya, walang bahid ng ‘bad faith’ ang ginawa nilang pag-disqualify noon sa Smartmatic, dahil mayroon itong malinaw na mga basehan.