-- Advertisements --
Target ng mga gumagawa ng sasakyan sa bansa na makapagbenta ng 500,000 na units ngayong taon.
Ang nasabing bilang ay mas mataas sa 467,000 na units na naibenta noong nakaraang taon.
Ayon sa hamber of Automotive Manufacturers in the Philippines Inc. (CAMPI), nakita nila noong 2024 na tumaas ng 7 percent ang mga naibentang sasakyan.
Kumpiyansa si CAMPI president Atty. Rommel Gutierrez na dahil sa mga naglalabasang bagong modelo na siyang magiging susi sa pagdami ng mga maibebentang sasakyan.
Nitong nakaraang Enero lamang ay nakapagbenta sila ng kabuuang 37,604 na units.