Patuloy na lumalago umano ang manufacturing output ng bansa noong buwan ng Hunyo habang ang average capacity utilization ay tumaas din base datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang volume ng production index (VoPI) ay nag-post ng taunang paglago ng 2.4% noong Hunyo, mas mabilis kaysa sa 0.9% na paglago noong Mayo ngunit mas mabagal kaysa sa 448.2% surge sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Ang pinakamalaking pagtaas ay naitala sa manufacturing of machinery and equipment maliban sa elektrikal (45.3%); fabricated metal products maliban sa makinarya at kagamitan (31.4%); at mga produktong gawa sa kahoy, kawayan, lata, rattan at mga related products (31.0%).
Sinusundan naman ito ng mga tela (26.6%); chemical and chemical products (24.0%); paper and paper products(14.9%); computer, electronic, at optical na mga produkto (10.5%); kagamitan sa transportasyon (9.0%); at mga produktong pagkain (6.8%).
Ang mga pagtaas ay nakita din sa iba pang manufacturing at pagkukumpuni at pag-install ng makinarya at kagamitan (5.7%); iba pang mga produktong mineral na hindi metal (5.5%); paggawa ng muwebles (4.8%); at mga produktong goma at plastik (0.7%).
Siyam na dibisyon ng industriya ang nagtala ng pagbaba kung saan pinangunahan ito ng printing and reproduction of recorded media na bumaba ng 25.1%.