-- Advertisements --

Lumawak noong buwan ng Abril ang manufacturing sector sa loob ng limang buwan.

Ayon sa S&P Global na ang manufacturing purchasing manager’s index ng Pilipinas ay nasa 52.2 noong Abril.

Mas mataas pa ito ng noong Marso na mayroong 50.9.

Ang PMI ay base sa survey ng nasa 400 manufacturers kung saan ilan sa mga factors dito ay ang bagong orders, output, employment, suppliers delivery at stocks of purchases.

Lumabas din sa nasabing survey na nagkaroon ng favorable demand condition at mataas na production requirements na siyang nagtulak sa manufacturers para taas ang purchasing activity at itayo ang kanilang inventory.