GENERAL SANTOS CITY – Kinumpirma ni Police Major Robert Fores, Hepe ng Mabuhay Police Station na case solved na ang nangyaring pagpalakol ng isang biyenan sa sarili nitong manugang na lalaki sa Purok Nopol, Barangay Conel, General Santos City.
Kinilala na si Declar Paulino Jr., 33 anyos, residente ng Purok Cabuay Barangay Sinawal habang ang suspek ay si Antonio Caturan 41 nyos nga taga Purok Nopol, Conel, GenSan.
Ayon kay Fores, nagkaareglo ang bawat kampo matapos na naghain ng affidavit of desistance ang kaanak ng biktima.
Nagbunsod ang insidente matapos ang matinding alitan ng dalawa kung saan hinampas ng biktima ng kahoy ang suspek.
Sa kasamaang palad ay napuruhan naman sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng biktima matapos na gumanti ang suspek nang nahawakan nito ang bolo.
Dahil lumampas na sa reglementary period, pinakawalan agad ng pulisya ang suspek mula sa selda.
Sa ngayon ay nagpapagaling pa ang biktima sa pagamutan nitong lungsod.