CENTRAL MINDANAO-Dalampung kahong naglalaman ng sari-saring medical at hygiene supplies ang ibinigay ng MAP International: Medicine for the World, at Children International Philippines, Inc. sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa ilalim ng liderato ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza bilang tulong sa mga frontliners.
Bilang kinatawan ng gobernadora, malugod na tinanggap ni Provincial Administrator Aurora P. Garcia kinatawan ni Gov. Mendoza, ang mga medical protective overall, respirator N95, face shield, surgical masks, micro-nutrient supplement, at iba pa mula sa nasabing organisasyon.
Ang turn over ay ginawa sa Provincial Governor’s Office sa pakikipagtulungan ng Kasilak Development Foundation, Inc., Dole Philippines, Stanfilco, at 11 Forward Service Support Unit.
Ang naturang organisasyon ay pinasalamatan ni Gov Mendoza at PA Garcia.