Naibenta sa isang auction ang 300-year old na mapa ng Pilipinas sa halagang $319,000 o mahigit P17-M.
Ang nasabing mapa ay siyang pinakaabangan at pinag-aagawan ng mga collector sa buong mundo.
Mayroon 15 kopya lamang ang 1734 Murillo Velarde map of the Philippines ang pinaniniwalaang nakakalat pa.
Ang nasabing presyo ay siyang pinakamahal na nabili sa kasaysayan ng Reeman Dansie Auctions sa United Kingdom.
Itinuturing kasi ng mga collectors na ang mapa ay isang “Holy Grail”.
Iginuhit ang mapa noong nasa pananakop pa ng Espanya ang Pilipinas na ito ay may laki ng isang metro.
Makikita dito ang rota ng mga barko kung saan isinasagawa ang pakikipagkalakal sa China at mga natural resources ng Pilipinas.
Ginamit ang mapa ng gobyerno ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 laban sa pag-angkin ng China sa ilang bahagi ng South China Sea.