CENTRAL MINDANAO – Malaking tulong sa lokal na pamahalaan ng Banisilan, Cotabato ang pamosong underground river.
Ayon kay Banisilan Municipal Councilor Allan Macasarte, chairman ng Committee on Tourism ng konseho na nagsisikap sila na maayos ang kalsada papuntang Brgy Malagap tungo sa underground river.
Isa ito sa mga prayoridad na proyekto ni Banisilan Mayor Jesus Alisasis katuwang ang provincial government ng Cotabato.
Maliban sa underground river kasama sa mga tourist spot sa bayan ng Banisilan ang Mount Opaw at ilang kweba.
Una nang binisita ni Cotabato Governor Nancy Catamco ang underground river at napamangha ito sa gandang taglay ng ilog sa ilalim ng kweba.
Bubuksan ang underground river at ilang tourist spot sa probinsya kung matapos na ang krisis sa COVID-19 sa bansa.
Malaking tulong anya ang underground river sa pag-angat ng ekonomiya sa bayan ng Banisilan at buong probinsya.
Sa ngayon ay ipinagbabawal muna ng LGU-Banisilan ang pagpunta sa mga tourist spot sa bayan alinsunod sa direktiba ng National Inter-Agency Task Force on COVID-19.