Batay sa forecast ng State Weather Bureau, pitong lugar sa bansa ang posibleng makaranas ng mapanganib na heat index sa Lunes, Abril 8, at anim na lugar sa Martes, Abril 9.
Ayon sa state weather bureau, maaaring maramdaman ang heat index na 43°C sa Dagupan City, Pangasinan; Aparri, Cagayan; at Tuguegarao City, Cagayan, habang 42°C naman ang maaaring maramdaman sa Laoag City, Ilocos Norte; Puerto Princesa City, Palawan; Daet, Camarines Norte; at Cotabato City, Maguindanao sa Abril 8.
Aabot naman sa 44°C ang temperatura sa Abril 9 sa Aparri at Tuguegarao City. Ang temperatura sa Puerto Princesa City, Palawan, at Dagupan City, Pangasinan, ay magkakaroon naman ng heat index of 43°C, habang sa Laoag City, Ilocos Norte, at Daet, Camarines Norte, ay maaaring magkaroon ng heat index na 42°C.
Nagbabala ang Department of Social Science ang Technology (DOST) sa publiko na posibleng magkaroon ng heat stroke dahil sa patuloy na aktibidad na may mga heat index na mula 42-51°C.