Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang isyu ng pagkakaroon ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa mapayapang pamamaraan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang tugon ng pangulo sa nasabing isyu lalo na ngayon at gumaganda na ang relasyon ng Pilipinas sa China.
Ayaw rin aniya ng pangulo na ang nasabing isyu ay gumamit ng puwersa ang Pilipinas laban sa China.
Malaki rin aniya ang tiwala ng pangulo na maaayos din ang nasabing isyu.
Magugunitang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China para mapalayas ang mahigit 200 na bangkang pangisda ng China.
Maging si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ay nagmatigas na dapat tanggalin na ng China ang kanilang mga barko sa nasabing lugar.