-- Advertisements --

KALIBO, Aklan— Umaabot na sa 37 mga resort owners sa Boracay ang nabigyan na ng Notice of Violations (NOV) ng Environmental Management Bureau (EMB).

Ayon kay Aklan Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Val Talabero, sa araw ng Lunes, Pebrero 18 ay magsasagawa sila ng mapping inspection sa drainage system ng Boracay Island Water Company (BIWC) para matukoy kung sinong mga business establishment ang hindi at illegal na nakakonekta sa kanilang sewerage system.

Ito rin umano ang napagkasunduan ng mga stakeholders, LGU-Malay at DENR sa isinagawang pulong.

Samantala, naibigay na umano ang show cause order sa mga establishimentong nasa timber at forest land base sa Proclamation No. 1064 para maabisuhan ang mga ito na ang kanilang kinalalagyan ay bahagi ng kalupaan ng pamahalaan.