-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isina-ilalim na sa State of Calamity ang buong munisipalidad ng Maragusan, Davao de Oro matapus mag-tamo ng malaking danyos hatid ng sunod-sunod na lindol sa nakaraang mga araw.

Sa pamamagitan ng isinagawang special sesssion ng Sangguniang Bayan ng Maragusan inaprubahan ang resolution na nagdedeklara sa Maragusan na under the state of calamity.

Una na ring isinailalim sa state of calamity ang Barangay Paloc at ang Barangay Tandik, Maragusan Davao de Oro dahil sa resulta ng dalawang 5.9 magnitude na lindol noong nakaraang araw kung saan 1,041 pamilya at 4,164 indibidwal ang apektado nito.

Matatandaan na maraming mga kabahayan at mga estraktura ang nakitaan ng mga crack at nasira dahil sa malakas na pagyanig.