-- Advertisements --

Pinuri ni dating US President Barack Obama at dating first lady Michelle Obama ang naging hatol ng 12 jurors na guilty verdict sa dating pulis na si Derek Chauvin.

Ngunit kanilang binigyang diin na marami pa ang kailangang gawain upang makamit ang hustisya.

Obama podium

Ayon sa dating presidente ng Amerika, makukuha lamang ang tunay na hustisya kapag mapapatunayan nilang mga Black Americans na tinatrato sila ng tama ng mga White Americans.

Napag-alaman na nagkasundo ang 12 jurors na hatulan ng guilty si Chauvin mula sa second-degree unintentional murder na may hanggang 40-taong pagkakakulong, third-degree murder na may 25-taong pagkakakulong, habang 10 taong pagkakakulong naman ang naghihintay para second-degree manslaughter at $20,000, katumbas ito ng halos isang milyong piso.

Sa panig naman nila ni US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris, tinawag nilang ” starting point for greater justice” ang naging desisyon ng jury.

Sinabi ng bise presidente na nakakaramdam na sila ng kaginhawaan ngunit gayunpaman, ay hindi nito maalis ang sakit.

Ang isang sukatan ng hustisya ay hindi katulad ng pantay na hustisya.

Aniya, kailangang mayroon pa silang gawin. Kailangan daw nilang ireporma ang sistema.

Nauna nang nanawagan ang bise presidente sa Senado na ipasa ang George Floyd Justice sa Policing Act, na tinawag itong bahagi ng pamana ni Floyd. (with report from Bombo Jane Buna)