-- Advertisements --

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng pag-collapse ng isang 12-storey residential building sa Miami.

Apat na ang patay habang nasa 99 ang missing.

Desperadong naghihintay ng balita ang mg pamilya kung saan buong oras na nagtatrabaho ang mga rescuer at search teams.

May naririnig umano na mga tao na tumatambol sa gitna ng mga debris ang mga search teams.

Hindi naman bababa sa 102 katao ang na-rescue ngunit hindi sigurado kung ilan ang nasa gusali nang mag-collapse ito.

Dose-dosenang mga na-rescue naman ay nailigtas mula sa mga durog na bato.

Kabilang umano sa na-missing ang anim na taga-Paraguay, anim na mula sa Colombia, anim din na taga-Venezuel, siya na Argentinians, at tatlong taga-Uruguay na nakatira sa nasabing building. (with reports from Bombo Jane Buna)